![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjoAFP34a4BcyTxuiocTiwrzWg0KSievG7SJpyIaYt2EBmor94uBSbsNvHakNv0efuE8-AmwZm-J4LPCIwkEHCHGhH12E6NaMBHaEIKSMU19A1i4EKPIeDIU_CLJZG1j8uzT-ei1bqHgzwa/s640/tambiyan.png)
There are a lot of "tambayan" we can associate with. Diba nung bata tayo, minsan tambayan natin sa tindahan, sa bahay ng ating kalaro, sa may kanto o kahit saan man. Nung High School naman, may mga estudyanteng itinuring na tambayan ang Library (naks), ang canteen sa labas ng gate ng school, sa bahay ng classmate, o minsan sa bahay ni Teacher.
Bakit nga ba tumatambay tayo?
Maaaring minsan ay gusto lang nating makawala sa mga maraming bumabagabag sa atin. Ito man ay suliranin sa trabaho, sa school, sa bahay at pamilya, sa pag-ibig, o di naman kaya'y nabobore lang tayo minsan at gusto lang nating malibang. Ganoon din tayo rito. Pwedeng minsan kailangan lang din nating malibang at hindi nag-iisip ng alinman. Random moments and random thoughts kumbaga.
Marami din akong gustong ishare sa inyo na nahihirapan akong gawin sa Facebook fanpage ko dahil malimit itong maireport. Minsan ay umaabot pa ito ng 30-day block period. Kaya naisip kong gumawa na ng aking website ng mas magkaroon ako ng kalayaan na ipost ang mga bagay na nacocontrol sa facebook.
I hope na magenjoy kayo. Kung may mga suggestions o kahit anumang reaksyon, maaari kayong magbigay ng komento at makakaasa kayong sasagutin at tutugunan ko ito sa abot ng aking kakayahan.
No comments:
Post a Comment